Dalawang araw na akong nilalagnat. Sobrang taas. Kahapon at nung makalawa nga, hirap akong bumangon. Ang lamig-lamig, eh tag-init ngayon.
Dapat may outing kami nung Monday dahil nanalo yung section namin sa basketbol. Pero di naman ako pinapayagan ni mama sa mga outing kaya di pa rin ako makakasama kahit okey ako.
Dalawang araw ko nang tinitignan yung bahay sa kabila. Nakita ko nang lumabas yung mag-lola. Naglakad lang sila papunta sa kung saan. Sila nga yung nakita ko sa simbahan. Bakit kaya hindi sila nagbubukas ng bintana? Tapos pagdating ng gabi, saradong-sarado yung bahay.
Kaninang umaga nga, habang sinisilip ko sila, napatingin sa kin yung matanda. Sa takot, nagtago ako. Ang talim ng tingin eh. Yung babae, nakayuko lang. Siya yung gusto kong makita ng mas matagal.
Papunta kami ni nanay sa doktor para magpatingin. Sana sa labas na rin kami kumain. Gusto ko ng Chickenjoy at Spaghetti.
Sana makasalubong namin sila sa baba. Gusto ko siyang makilala.
No comments:
Post a Comment